Friday, October 19, 2018

Mga Sikat na Pagkain sa Pilipinas


            Mga Sikat na Pagkain sa Pilipinas

Magandang buhay! Isang malaking kasiyahan para sa akin ang gumawa ng isang Blog. Na kung saan, maibabahagi ko sa inyo ang Iba′t- ibang Uri at Sikat na produktong pagkain dito sa Pilipinas. Unang beses ko palang tong gawin sana′y tangkilikin at magustuhan ninyo.




Ramen na may Sabaw ng Batchoy ng IloIlo

            Ngayong “ber months” na nadadama na natin ang malamig na simoy ng hangin na kung saan naghahanap tayo ng pagkain na pampainit sa siknura, yung may mahihigop tayo na masarap na sabaw. Matatagpuan yan sa Ilo-ilo ang sikat sa kanila na pagkain ay “ Ramen na may Sabaw ng Batchoy”. Dinadagsa ito ng mga Ilonggo dahil sa masarap at makukuntento ka nito.




                                              Pansit Bihon Guisado ng Baguio
  
           Sa Baguio ang sikat na pagkain sa kanila ay “ Pansit Bihon Guisado”. Ang sangkap nito ay galing mismo sa taniman ng mga gulay sa Baguio. Mga kilalang sangkap nito ay bagong pitas na baguio beans, karots, repolyo at pipino na nagbibigay ng kakaibang lasa ng pagkain. Dinadayo rin ito dahil sa natural ang mga sangkap.



                                                            Suman ng Samar

             Kung gusto niyo naman ng matamis ng pagkain mayroon yan sa Samar na ang sikat sa kanila dito ay ang Suman. Ipinagmamalaki ito ng mga taga roon dahil bentang-benta ito sa mga biyaherong namimili ng pasalubong. Bigas ang pangunahing sangkap, upang maging matamis ay linalagyan nila ito ng latik.



                                                   Longganisa ng Pangasinan


             Sikat ito sa Alaminos na mabibili sa iba′t-ibang lugar sa Pangasinan. Ito ay medyo maalat na lasang bawang, ang sarsa na gawa ng Alaminos na matamis-tamis na mayroong lasang karne, at ang karne na ito ay kinulayan ng kaangkop na pulang azuete at binalutan ng bitoka ng baboy.




                                                        Sisig ng Pampanga

             Ito ay sikat na pagkain sa Pampanga na kung saan ito ay may nagsisilbing appetizer. Ito ay inimbento ng isang babae na kapampangan na nagngangalang Lucia Cunanan o mas kilala bilang Aling Lucing, siya ay tinugariang “The Sisig Queen”. Gawa ito sa mga hiniwang karne ng baboy at atay ng manok. At dinadayo ito ng mga torista dahil sa malinamnam at sobrang sarap ito.


               Napakanda at napakasarap talaga ang lutong Pinoy maski ibang lugar pumupunta dito sa Pilipinas upang tikman ang Iba′t-ibang lasa ng pagkain. Kaya′t halina! Ipagmalaki ang bawat Pilipino sa pagiging masining sa pagluluto.


No comments:

Post a Comment