Mga Sikat na Pagkain sa Pilipinas
Magandang buhay! Isang malaking
kasiyahan para sa akin ang gumawa ng isang Blog. Na kung saan, maibabahagi ko
sa inyo ang Iba′t- ibang Uri at Sikat na produktong pagkain dito sa Pilipinas.
Unang beses ko palang tong gawin sana′y tangkilikin at magustuhan ninyo.
Ramen na may Sabaw ng Batchoy ng IloIlo
Ngayong “ber months” na nadadama na
natin ang malamig na simoy ng hangin na kung saan naghahanap tayo ng pagkain na
pampainit sa siknura, yung may mahihigop tayo na masarap na sabaw. Matatagpuan
yan sa Ilo-ilo ang sikat sa kanila na pagkain ay “ Ramen na may Sabaw ng
Batchoy”. Dinadagsa ito ng mga Ilonggo dahil sa masarap at makukuntento ka
nito.
Pansit
Bihon Guisado ng Baguio
Sa Baguio ang sikat na pagkain sa
kanila ay “ Pansit Bihon Guisado”. Ang sangkap nito ay galing mismo sa taniman
ng mga gulay sa Baguio. Mga kilalang sangkap nito ay bagong pitas na baguio
beans, karots, repolyo at pipino na nagbibigay ng kakaibang lasa ng pagkain.
Dinadayo rin ito dahil sa natural ang mga sangkap.
Suman ng Samar
Kung gusto niyo naman ng matamis ng
pagkain mayroon yan sa Samar na ang sikat sa kanila dito ay ang Suman. Ipinagmamalaki
ito ng mga taga roon dahil bentang-benta ito sa mga biyaherong namimili ng
pasalubong. Bigas ang pangunahing sangkap, upang maging matamis ay linalagyan
nila ito ng latik.
Longganisa ng Pangasinan
Sikat ito sa Alaminos na mabibili
sa iba′t-ibang lugar sa Pangasinan. Ito ay medyo maalat na lasang bawang, ang
sarsa na gawa ng Alaminos na matamis-tamis na mayroong lasang karne, at ang
karne na ito ay kinulayan ng kaangkop na pulang azuete at binalutan ng bitoka
ng baboy.
Sisig ng Pampanga
Ito ay sikat na pagkain sa Pampanga
na kung saan ito ay may nagsisilbing appetizer. Ito ay inimbento ng isang babae
na kapampangan na nagngangalang Lucia Cunanan o mas kilala bilang Aling Lucing,
siya ay tinugariang “The Sisig Queen”. Gawa ito sa mga hiniwang karne ng baboy
at atay ng manok. At dinadayo ito ng mga torista dahil sa malinamnam at sobrang
sarap ito.
Napakanda at napakasarap talaga
ang lutong Pinoy maski ibang lugar pumupunta dito sa Pilipinas upang tikman ang
Iba′t-ibang lasa ng pagkain. Kaya′t halina! Ipagmalaki ang bawat Pilipino sa
pagiging masining sa pagluluto.